Tue, 10 Jun, 2025
News and Events

Mga propesor ng UA&P, hurado sa UP Asian Center Student Congress

 

Limang propesor mula sa UA&P College of Arts and Sciences ang naging hurado sa Graduate Student Congress 2025 ng UP Asian Center noong Mayo 31, 2025, na may tema na "The Philippines in a Multipolar World."

Kabilang sa mga hurado sina Dr. Dean Edward Mejos (CAS Vice Dean), Dr. Philip Michael Paje (Tagapangulo, Asia Pacific Studies), Dr. Elizabeth Urgel (APS), Dr. Maria Jesusa Carina Aunario (Literature), at Dr. Moreal Camba (Tagapangulo, Kagawaran ng Filipino).

Mahigit 100 gradwadong mag-aaral ang nagbahagi ng kanilang pananaliksik sa iba't ibang larang tulad ng pulitika, pamamahala, ugnayang panlabas, seguridad, migrasyon,  kultura, sining, wika, kalusugan, teknolohiya, kasaysayan, at midya.

Ang paglahok ng kaguruan mula CAS ay naging daan upang mapili ang pinakamahuhusay na mananaliksik at tagapaglahad sa bawat kategorya. Nagbukas din ito ng posibilidad para sa mga kolaborasyon sa hinaharap.

 

 

Pearl Drive, Ortigas Center, Pasig City 1605, Philippines
(632) 8637-0912 to 26
Pearl Drive, Ortigas Center, Pasig City 1605, Philippines (632) 8637-0912 to 26